Widex CALL-DEX Manual De Instrucciones página 371

Tabla de contenido
MGA BABALA
BABALA
• Ang paglunok o maling paggamit ng device o mga baterya ay maaaring
magresulta sa malubhang pagkapinsala o pagkamatay. Kung sakaling
malunok ito, makipag-ugnay kaagad sa isang doktor.
• Napakaliliit ng baterya at maaaring mapagkamalang gamot o ibang tulad
nito. Huwag kailanman ilagay ang baterya o ang device sa loob ng iyong
bibig para sa anumang dahilan dahil baka malunok mo ito.
• May panganib na sumabog ang baterya kapag pinalitan ng maling uri
o kapag ni-recharge. Itapon ang mga gamit na baterya ayon sa mga
tagubilin.
• Huwag dalhin ang iyong device kung sasailalim ka sa isang X-ray o MRI
scan, o iba pang mga scan o radiation treatment at huwag itong ilagay sa
loob ng isang microwave oven.
• Itago ang device at mga bahagi nito, mga accessory at mga baterya nang
malayo sa mga bata at sinomang iba pang maaaring lumunok ng mga
ganitong bagay o magsanhi ng pinsala sa kanilang mga sarili. Huwag
palitan ang mga baterya sa harapan nila at huwag ipakita sa kanila kung
saan mo tinatago ang iyong supply ng baterya.
• Huwag gamitin ang device sa mga sasakyang panghimpapawid o sa mga
ospital nang walang pahintulot.
• Huwag gamitin ang device sa mga minahan o ibang lugar na may mga
sumasabog na gas.
• Ang iyong device ay nasubok para sa interference alinsunod sa
internasyonal na pamantayan. Gayunpaman, posible na maaaring
magkaroon ng hindi inaasahang interference sa hearing aid dahil sa
electromagnetic na radiation mula sa ibang produkto gaya ng mga
sistema sa pag-alarma, kasangkapan sa pagmamasid at mga mobile na
telepono.
• Bagama't dinisenyo ang iyong device upang makatugon sa pinakamahigpit
na internasyonal na pamantayan sa pagkaayon ng electromagnetic,
hindi maaaring iwaksi ang posibilidad na ito ay maaaring magsanhi ng
interference sa ibang kasangkapan, gaya ng mga medikal na aparato.
369
Tabla de contenido
loading

Este manual también es adecuado para:

85-00-151

Tabla de contenido