PAGLALARAWAN NG DEVICE
1.1
Jack plug
1.2
Takip ng baterya
BABALA
Basahin ang mga tagubiling ito nang mabuti bago mo i-on ang
device .
Kaukulang paggamit
Ginawa ang device para ikabit sa isang mobile phone at upang mag-stream
ng tunog mula sa mobile phone direkta sa mga hearing aid.
Tandaan: Gumagamit ang device ng standard jack plug na karaniwan sa mga
mas bagong mobile phone. Kung ang iyong mobile phone ay gumagamit
ng ibang configuration, maaaring hindi ito gumana sa produktong ito.
ANG BATERYA
Ang iyong device ay gumagamit ng type 10 na baterya. Nagrerekomenda
kami ng mga zinc-air na baterya.
Upang makakuha ng mga pamalit na baterya, mangyaring kumonsulta sa
iyong propesyonal na tagapangalaga ng pandinig. Mahalagang tandaan
ang petsa ng pagkapaso at ang mga rekomendasyon sa pakete ng baterya,
tungkol sa kung paano itatapon ang mga gamit nang baterya.
Paglalagay sa baterya
• Bago maglagay ng bagong baterya sa device na ito, alisin ang pandikit
na tab. Kapag naalis na ang pandikit na tab, magsisimula nang gumana
ang baterya matapos ang ilang segundo.
• Gamitin ang nail grip upang buksan nang dahan-dahan ang takip ng
baterya tulad ng ipinapakita.
• Ilagay ang baterya sa compartment nang nakaharap pataas ang maliit na
simbolong plus (+) sa baterya.
• Isara ang takip ng baterya. Kung hindi ito nasasara nang madali, hindi
nakapasok nang tama ang baterya.
- tingnan ang larawan 2
365
– Tingnan ang larawan 1