Filipino - Wikang Filipino - Marshall ACTON II Manual Del Usuario

Ocultar thumbs Ver también para ACTON II:
Tabla de contenido
Idiomas disponibles
  • ES

Idiomas disponibles

  • ESPAÑOL, página 56
FILIPINO – WIKANG FILIPINO
MAHALAGANG MGA TAGUBILING
PANGKALIGTASAN
1. Basahin ang mga tagubiling ito
2. Itago ang mga tagubiling ito
3. Pansinin ang lahat ng babala
4. Sundin ang lahat ng tagubilin
5. Huwag gamitin ang aparatong ito nang malapit
sa tubig
6. Linisin lamang ng tuyong tela
7. Huwag harangan ang anumang mga bukas na
bentilasyon. I-install alinsunod sa mga tagubilin
ng tagagawa.
8. Huwag i-install nang malapit sa anumang mga
pinagmumulan ng init tulad ng mga radyetor, mga
rehistro ng init, mga kalan, o iba pang mga aparato
(kabilang ang mga amplifier) na naglalabas ng init.
9. Huwag biguin ang layuning pangkaligtasan ng
plug na polarisado o uring pang-ground. Ang
isang polarisadong plug ay may dalawang talim na
ang isa ay mas malapad kaysa sa isa. Mayroong
dalawang talim ang plug na uring pang-ground
at may pangatlong tulis na pang-ground. Ang
malapad na talim o ang ikatlong tulis ay inilagay
para sa iyong kaligtasan. Kung ang ibinigay na plug
ay hindi kasya sa iyong saksakan, kumunsulta sa
isang elektrisyan para mapalitan ang luma nang
saksakan.
10. Ingatan ang kurdon ng kuryente na huwag matapa-
kan o mapingot lalo na sa mga plug, mga lalagyan,
at ang dulo kung saan ang mga ito ay lumalabas
mula sa aparato.
11. Gamitin lamang ang mga ikinakabit/aksesorya na
tinukoy ng tagagawa.
12.
Gamitin lamang kasama ang cart, stand,
tripod, bracket, o mesa na tinukoy ng
tagagawa, o ibinebenta kasama ang
aparato. Kapag ginamit ang isang cart
o rack, mag-ingat kapag iginagalaw ang
kombinasyon ng cart/aparato upang mai-
wasan ang pinsala mula sa pagkatagilid.
13. Alisin sa pagkasaksak ang aparatong ito sa
panahong may mga bagyo't pagkidlat o kapag hindi
ginagamit sa mahabang panahon.
14. Isangguni ang lahat ng pagserbisyo sa kwalipi-
kadong mga tauhan ng serbisyo. Kinakailangan
ang pagseserbisyo kapag masira ang aparato sa
anumang paraan, tulad ng napinsalang kurdon ng
suplay ng kuryente o plug, natapong likido o may
mga bagay na nahulog sa aparato, nalantad ang
aparato sa ulan o halumigmig, hindi gumagana
nang normal , o naibagsak.
BABALA
• Itago ang produkto at mga aksesorya nito nang
malayo sa maliliit na bata. Hindi ito laruan.
• Huwag i-install ang produkto sa isang lugar
na hinahadlangan ang pag-access sa plug ng
kuryente. Ang pagdiskonekta ng plug ng kuryente
ay ang tanging paraan upang ganap na maputol
ang kuryente sa produkto at ang plug ng kuryente
ay dapat madaling ma-access sa lahat ng oras.
• Upang mabawasan ang panganib ng sunog o
electric shock, huwag ilantad ang aparatong ito
sa ulan o halumigmig. Hindi dapat malantad ang
aparato sa tumutulo o tumatalsik at ang mga bagay
na puno ng mga likido, tulad ng mga plorera, ay
hindi dapat ipatong sa aparato.
• Huwag ibagsak ang produkto.
• Huwag takpan ang produkto upang maiwasan ang
panganib ng masyadong pag-iinit.
• Huwag makinig nang masyadong malapit sa
produkto.
014
• Huwag makinig nang napakatagal sa isang mataas
na antas ng presyon ng tunog.
• Huwag ipasok ang mga parte ng katawan o
mga bagay sa bass port dahil sa panganib ng
pagkapinsala.
• Ang punong plug ay ginagamit bilang kasang-
kapan sa pagdiskonekta, ang kasangkapan sa
pagdiskonekta ay dapat manatiling madaling
napapaandar.
Ang kagamitang ito ay isang Class II o doble
insulado na kasangkapang elektrikal. Ito ay
dinisenyo upang ito ay hindi mangangailan-
gan ng isang koneksyong pangkaligtasan sa
elektrikal na lupa.
PAG-INSTALL AT KONEKSYON
• Ikonekta lamang ang produkto sa tamang punong
boltahe tulad ng ipinapakita sa kagamitan.
• Gumamit lamang ng mga kable ng kuryente ayon
sa uri na tinukoy sa mga tagubilin sa pagpaandar o
ayon sa minarkahan sa ibabaw ng produkto.
• Huwag i-install ang kagamitang ito sa isang
espasyong nakakulong o kulob na gusali, at panatil-
ihing mainam ang mga kondisyon ng bentilasyon sa
bukas na lugar. Ang bentilasyon ay hindi dapat ma-
hadlangan sa pamamagitan ng pagtakip sa daluyan
ng bentilasyon ng mga bagay tulad ng diyaryo, mga
mantel ng mesa, mga kurtina, atbp.
• Ang mga pinanggagalingan ng ningas na walang
takip, tulad ng mga kandilang may sindi, ay hindi
dapat ipatong sa aparato.
IMPORMASYON SA PAGTATAPON AT PAG-
RECYCLE
Ang simbolong may ekis sa de-gulong na
basurahan sa ibabaw ng iyong produkto (at
sa anumang kasamang mga baterya at iba
pang elektronikong aksesorya) ay nangan-
gahulugan na hindi dapat itapon ang mga ito
bilang karaniwang basura ng sambahayan.
Huwag itapon ang iyong produkto, mga
baterya at mga elektronikong aksesorya
bilang di-nabubukod na basura ng munisipyo.
Ang iyong produkto, mga baterya at mga el-
ektronikong aksesorya ay dapat na ipasa sa
isang sertipikadong lugar ng pangongolekta
para sa pag-recycle o tamang pagtatapon sa
paglipas ng buhay ng mga ito.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa
pagtatapon at pag-recycle, bisitahin ang website
www.marshallheadphones.com
DISCLAIMER
Para gamitin sa mga mobile device gamit ang 3.5 mm
na plag na two-way standard na hindi protektado.
Dinisenyo sa Stockholm • Ginawa sa China
Tabla de contenido
loading

Tabla de contenido