Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit at kumonsulta sa doktor.
BABALA: Kung mayroon kang pacemaker, kumonsulta sa isang doktor bago gamitin ang aparatong ito.
Maaaring makagambala sa mga pacemaker ang inductive frequency na ginagamit ng aparatong ito, at
maaaring lumikha ng karagdagang pisikal na stress sa katawan ang scuba diving.
BABALA: May panahong hindi gumagana ng maayos ang lahat ng computer. Posibleng biglang hindi
magbigay ng tumpak na impormasyon ang aparatong ito sa panahon ng iyong pagsisid. Palaging gumamit
ng backup na instrumento na namarkahan bilang CE kapag sumisisid nang may suot na dive computer.
Kung sakaling pumalpak ang dive computer sa panahon ng pagsisid, sundin ang mga alituntunin sa
emergency na ibinigay ng iyong sertipikadong ahensya sa pagsasanay sa pagsisid upang agad at ligtas
na makaakyat.
BABALA: Para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, hindi ka dapat sumisid nang mag-isa. Sumisid
kasabay ang isang itinalagang kasama.
BABALA: Mga sinanay na diver lamang ang dapat gumamit ng dive computer! Mahigpit na
inirerekomenda ng Suunto na huwag kang sumali sa anumang uri ng aktibidad sa pagsisid nang walang
wastong pagsasanay at ganap na pag-unawa at pagtanggap sa mga panganib. Palaging sundin ang mga
tuntunin ng iyong ahensya ng pagsasanay.
BABALA: Dahil ang anumang decompression model ay purong teoretikal at hindi sinusubaybayan
ang aktuwal na katawan ng isang maninisid, palaging may panganib ng decompression illness (DCI) sa
anumang pagsisid. Maaaring magbago-bago ang pangangatawan ng isang indibidwal araw-araw. Hindi
matutugunan ng dive computer ang mga pagbabago-bagong ito. Mahigpit kang pinapayuhang manatili sa
loob ng mga exposure limit na ibinigay ng dive computer upang mabawasan ang panganib ng DCI.
BABALA: Kung pinaghihinalaan mong may mga dahilan para tumaas ang tsansa na magkaroon ng
DCI, inirerekomenda ng Suunto na gamitin mo ang personal na setting upang gawing mas ligtas ang mga
kalkulasyon at kumonsulta sa isang doktor na may karanasan sa diving medicine bago ka sumisid.
BABALA: Kapag sumisisid sa mga altitude na higit sa 300 m, dapat piliin nang tama ang setting ng
altitude upang makalkula ng computer ang estado ng decompression. Kung hindi mapili ang tamang
setting ng altitude o ang pagsisid nang higit sa maximum na limitasyon ng altitude ay magreresulta sa
maling datos sa pagsisid at pagpaplano. Inirerekomendang masanay ka sa bagong altitude bago sumisid.
Palaging gamitin ang parehong personal na setting at setting sa altitude adjustment para sa aktuwal na
pagsisid at para sa pagpaplano.
BABALA: Mahigpit na inirerekomenda ng Suunto na huwag gamitin ang aparato para sa anumang
komersyal o propesyonal na aktibidad sa pagsisid. Ang mga kinakailangan sa komersyal o propesyonal
na pagsisid ay maaaring i-expose ang maninisid sa mga lalim at kondisyon na nakakapagpataas sa
179