Suunto RACE OW224 Manual página 117

sukatan, gaya ng bilis ng tibok ng puso at mga calorie. Magagamit mo ang iyong aparato bilang
opsyonal na kagamitan sa pagsisid habang nakalubog sa tubig hanggang sa lalim na 10 metro.
Hindi isang dive computer o isang standalone na produkto ang aparatong ito para sa pagsukat ng
anumang sertipikadong aktibidad sa scuba diving. Ang Suunto Race ay para lang sa panlibangang
paggamit at hindi para sa anumang uri ng layuning medikal.
OPTIKAL NA BILIS NG TIBOK NG PUSO
Isang madali at kumbeniyenteng paraan ang pagsukat sa optikal na bilis ng tibok ng puso mula sa
pulso upang subaybayan ang bilis ng tibok ng iyong puso. Maaaring makaapekto sa mga resulta
ng pagsukat ng bilis ng tibok ng puso ang mga sumusunod:
• Dapat isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Dapat na walang tela, gaano man
kanipis, sa pagitan ng sensor at ng iyong balat.
• Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas kaysa sa kung saan
karaniwang isinusuot ang mga relo. Binabasa ng sensor ang daloy ng dugo sa tisyu. Kung mas
marami itong mababasang tisyu, mas maganda.
• Maaaring mabago ng mga paggalaw ng braso at pagkilos ng kalamnan, gaya ng paghawak sa
isang raketa ng tenis, ang katumpakan ng mga pagbasa ng sensor.
• Kapag mabagal ang tibok ng iyong puso, puwedeng hindi maging stable ang mga pagbasa
ng sensor. Makakatulong ang pag-eehersisyo sa loob ng ilang minuto bago ka magsimulang
mag-rekord.
• Nahaharangan ng kulay ng balat at mga tattoo ang liwanag, at nakakahadlang ang mga ito sa
pagkuha ng mga maaasahang pagbasa mula sa optikal na sensor.
• Ang optikal na sensor ay maaaring hindi magbigay ng mga tumpak na pagbasa ng tibok ng
puso para sa mga aktibidad sa paglangoy at freediving.
• Para sa higit pang katumpakan at mas mabibilis na pagtugon sa mga pagbabago sa bilis ng
tibok ng iyong puso, inirerekomenda naming gumamit ka ng compatible na sensor ng bilis ng
tibok ng puso sa dibdib, gaya ng Suunto Smart Sensor.
BABALA: Maaaring hindi maging tumpak ang feature na optikal na pagsukat ng tibok ng puso
para sa bawat taong gumagamit sa bawat aktibidad. Maaari ring maapektuhan ng natatanging
anatomiya at kulay ng balat ng isang indibiduwal ang optikal na tibok ng puso. Puwedeng mas
mataas o mas mababa ang aktuwal na bilis ng tibok ng iyong puso kaysa sa pagbasa ng optikal
na sensor.
BABALA: Para lang sa panlibangang paggamit; hindi para sa medikal na paggamit ang feature
na optikal na bilis ng tibok ng puso.
KALIGTASAN
BABALA: Palaging kumonsulta sa doktor bago magsimula ng programa sa pagsasanay.
Maaaring magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.
BABALA: Maaaring mangyari ang allergic na reaksyon o mga iritasyon sa balat kapag nakalapat
ang mga produkto sa balat, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng
industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit at kumonsulta sa doktor.
BABALA: Para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, hindi ka dapat sumisid nang mag-isa.
Sumisid kasabay ang isang itinalagang kasama.
BABALA: May kasamang mga hindi kapansin-pansing panganib ang freediving. Palaging may
panganib ng decompression sickness para sa lahat ng uri ng aktibidad sa pagsisid at dive profile.
117
loading