Suunto 3 OW175 Manual Del Usuario página 76

IMPORMASYONG PANGKALIGTASAN AT
TL
PANREGULASYON
OPTICAL NA BILIS NG PAGTIBOK NG PUSO
Ang optical heart rate na pagsukat mula sa pulso ay isang madali at
kumbinyenteng paraan ng pagsubaybay sa bilis ng tibok ng iyong puso.
Maaaring makaapekto sa mga resulta para sa pagsukat ng bilis ng tibok ng
puso ang mga sumusunod na salik
• Dapat mong isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Wala
dapat tela, gaano man kanipis, sa pagitan ng sensor at ng iyong balat.
• Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas
kaysa sa kung saan karaniwang isinusuot ang mga relo. Binabasa ng
sensor ang daloy ng dugo sa pamamagitan ng tissue. Kung mas marami
itong mababasang tissue, mas maganda.
• Maaaring mabago ang katumpakan ng mga reading ng sensor dahil sa
mga paggalaw ng braso at pagkilos ng kalamnan, gaya ng paghawak sa
isang tennis racket.
• Kapag mabagal ang tibok ng puso mo, maaaring hindi maging stable ang
mga reading ng sensor. Makakatulong ang pag-eehersisyo sa loob ng
ilang minuto bago ka magsimulang mag-record.
• Humaharang ang kulay ng balat at mga tattoo sa liwanag at
humahadlang ang mga ito sa pagkuha ng mga tumpak na reading mula
sa optical sensor.
76
loading

Productos relacionados para Suunto 3 OW175