Suunto VERTICAL OW222 Manual Del Usuario página 155

Idiomas disponibles
  • ES

Idiomas disponibles

  • ESPAÑOL, página 24
KALIGTASAN
BABALA: Ugaliing kumonsulta sa doktor bago magsimula ng programa sa
pagsasanay. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.
BABALA: Puwedeng magkaroon ng allergic na reaksyon o mga iritasyon sa
balat kapag nakalapat ang mga produkto sa balat, kahit na sumusunod ang
aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito,
ihinto kaagad ang paggamit at kumonsulta sa doktor.
BABALA: Para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, hindi ka dapat sumisid
nang mag-isa. Sumisid kasabay ang isang itinalagang kasama.
BABALA: Ang freediving ay may kasamang mga hindi halatang panganib.
Palaging may panganib ng decompression sickness para sa lahat ng uri
ng aktibidad sa pagsisid at ng dive profile. Mahigpit na inirerekomenda ng
Suunto na huwag kang sumali sa anumang uri ng aktibidad sa pagsisid nang
walang wastong pagsasanay at kumpletong pag-unawa at pagtanggap sa mga
panganib. Palaging sundin ang mga tuntunin ng iyong ahensya ng pagsasanay.
Suriin ang iyong sariling pisikal na kondisyon at kumonsulta sa isang
manggagamot tungkol sa kalakasan ng iyong katawan bago sumisid.
BABALA: Ang aparatong ito ay hindi para sa mga sertipikadong scuba diver.
Maaaring i-expose ng panlibangang scuba diving ang diver sa mga lalim at
mga kondisyong may posibilidad na pataasin ang panganib ng decompression
sickness (DCS) at mga pagkakamali na maaaring humantong sa malubhang
pinsala o kamatayan. Dapat palaging gumamit ang mga sinanay na diver ng
isang dive computer na binuo para sa mga layunin ng scuba diving.
BABALA: Huwag lumahok sa mga aktibidad sa freediving at scuba diving sa
parehong araw.
PAALALA: Siguraduhing lubos mong nauunawaan kung paano gamitin ang
iyong dive instrument at kung ano ang mga limitasyon nito sa pamamagitan ng
155
loading