Suunto 9 PEAK PRO Manual De Instrucciones página 144

Ocultar thumbs Ver también para 9 PEAK PRO:
Idiomas disponibles
  • ES

Idiomas disponibles

  • ESPAÑOL, página 23
IMPORMASYON TUNGKOL SA KALIGTASAN AT
TL
REGULASYON
NAKALAANG PAGGAGAMITAN
Ang SUUNTO 9 Peak Pro ay isang sports watch na sumasabay sa iyong paggalaw
at iba pang sukatan, gaya ng pagsukat ng tibok ng puso at calories. Magagamit
mo ang iyong aparato bilang opsyonal na kagamitan sa diving habang nakalubog
sa tubig hanggang sa lalim na 10 metro. Ang aparato na ito ay hindi isang dive
computer o isang stand alone na produkto para sa pagsukat ng anumang certified
na aktibidad ng scuba diving. Ang SUUNTO 9 Peak Pro ay para lamang sa
paggamit ng libangan at hindi para sa anumang uri ng medikal na layunin.
PAGSUKAT NG TIBOK NG PUSO GAMIT ANG OPTICAL SENSOR
Ang optical na pagsukat ng tibok ng puso mula sa pulso ay madali at
maginhawang paraan upang subaybayan ang iyong tibok ng puso. Maaaring
makaapekto sa mga resulta para sa pagsukat ng bilis ng tibok ng puso ang mga
sumusunod na salik:
• Dapat isuot ang relo nang direktang nakalapat sa iyong balat. Wala dapat
anumang kasuotan, gaano man kanipis, sa pagitan ng sensor at ng iyong balat.
• Maaaring kailanganing isuot ang relo sa iyong braso nang mas mataas
kaysa sa kung saan karaniwang isinusuot ang mga relo. Binabasa ng sensor
ang daloy ng dugo sa pamamagitan ng tissue. Kung mas marami itong
mababasang tissue, mas maganda.
• Maaaring mabago ang katumpakan ng mga reading ng sensor dahil sa mga
paggalaw ng braso at pagkilos ng kalamnan, gaya ng paghawak sa isang
tennis racket.
• Kapag mabagal ang tibok ng puso mo, puwedeng hindi maging stable ang
mga reading ng sensor. Makakatulong ang pag-eehersisyo sa loob ng ilang
144
loading

Este manual también es adecuado para:

Ow211